Thursday, April 25, 2013

Tamang simula

Bakit kaya sira agad yung araw mo sa lab kapag mintis yung unang extraction mo? Pag panget yung simula ng trabaho mo, parang pagod ka na agad. Parang kalahating araw ka na nagtra-trabaho. Hindi lang naman sa blood extraction. Minsan sa hema, parang sakit sa ulo agad pag puro may dengue yung morning pick. Toxic agad! Sa histopath, mas gusto mo yung maganda yung unang slide na gagawin mo. Minsan pinipili pa nga kung ano yung pinakamadali i-cut na tissue block para yung unang slide e perfect agad. Sa micro, ayaw mo na bumungad sayo yung plate na madaming mixed colonies, sakit din kasi sa ulo yung madaming ire-reisolate na colony. Sa blood bank din, nakakagulat din yung pagpasok mo e ang daming blood bags ang kelangan ng mga pasyente tapos kulang yung available na stock. Nakupo! Kung pwede lang magdonate ng sampung bag araw-araw e d ginawa na yun ng lahat ng blood bank staff. Sa madaling sabi, nakakasira ng araw kung panget yung simula mo sa trabaho. Sabi nga nila, "Start the day right." E pano nga ba talaga kung may halong malas yung araw mo?
Bilang Med Tek kasi, hindi naman maiiwasan yung ka-toxican. Hindi rin maiiwasan yung sablay n extraction. Hindi talaga maiiwasan yung mga problema sa lab. Ang tingin ko lang, bilang propesyonal, dapat handa tayo.  Dapat marunong humarap sa problema, sa kamalian, sa ka-toxican kahit na kasisimula pa lang ng araw. Kung may mangyari sayo na 'di kaaya-aya, relaks lang... chill lang! Hinga lang ng malalim na parang kukunan ng dugo tapos back to work na. Ganun naman talaga e.
Wala naman kasing problema na hindi kayang lampasan. Sabi nga nung isang Med Tek na kilala ko, "What doesn't kill you, makes you stronger." Hindi ko alam kung saan nya sinotto yan. Pero tama naman. Sa propesyon natin, alam na natin yun. Routine na lang yan sa atin. Minsan ayos na din para magkaroon ng extra challenge yung  "already challenging" na Med Tek life natin.
Basta ako, ayaw ko talaga yung panget na start ng trabaho. Mas gusto ko na swabe yung simula para tuloy-tuloy lang. Kamot sa ulo lang kasi yung solusyon sa missed extraction e. Joke lang ha! hahaha! Just do your best to start the day right. Kahit ano pa man yan, kahit gaano ka-toxic, matatapos din yan.






Paki-share naman sa ibang Med Tek! Paki-kwento na may blog na ganito ha.hehehe. Paki-Like na din yung facebook account at pa-follow sa twitter (follow din kita). SALAMAT!



Like me on Facebook! http://www.facebook.com/MedTek101
Follow me on twitter @BuhayMedTek






May pera ka ba sa bangko? bakit hindi mo i-invest sa PSE (Philippine stock exchange)? Imbes na magdeposit sa bangko, bilhin mo yung bangko (bilhin ang shares)! basahin mo 'to... hindi ito scam... libreng e-book yan... ;)   http://bosanchezmembers.com/amember/go.php?r=15799


1 comment: