Sablay
Lunes na Lunes, maagang gumising.
Bagong ligo, maagang pumasok.
Ang haba na ng pila,
Mga pasyente bumulusok.
Unang tusok sa unang pasyente,
Ayos na ayos, swabeng-swabe!
Sa ikalawang banat, magalaw na ugat;
Hindi nakunan, sa labi na lang napakagat.
Sablay!
Napailing.
Napakamot.
Parang katawan ay biglang napagod.
Parang nanginginig ang tuhod.
Pero tuloy-tuloy lang,
Daloy ng pasyente, hindi titigil yan.
Tusok lang ng tusok,
Matatapos din ang araw.
Pasyenteng hindi nakunan, 'wag nang pag-isipan.
Likas na buo ang loob,
Hindi dapat papa-apekto sa kamalian.
Trabahong minahal, 'di agad iiwan.
Suliranin man ay dumating,
Nakangiti na babatiin.
Sablay na tusok man ang makaharap,
Babangon sa pagkakamali sa isang iglap.
Med Tek, hindi mabilis matinag.
Hangga't may hawak na syringilya,
Bilib sa sarili, walang kaba!
Paki-share sa lahat ng Med Tek at Phlebo! Salamat!
Like me on Facebook! http://www.facebook.com/MedTek101
Follow me on twitter @BuhayMedTek
Does your website have a contact page? I'm having trouble locating it but, I'd
ReplyDeletelike to shoot you an email. I've got some recommendations for your blog you might be interested in hearing. Either way, great website and I look forward to seeing it expand over time.
Also visit my site; fiverr.com