Isang malaking pagkakamali na hindi na namamalayan. Pagkakamali na binabale-wala. Alam kung alam nyo na ang mga pwedeng maidulot pag hindi ka nagpalit ng iskrab tapos diretso uwi o mall o gala, pero bakit kaya ginagawa pa din natin? Ayan ha, sinama ko na ang sarili ko, tutal pareho-pareho naman tayong mga Med Tek di ba?
Pag hindi mo hinubad yung iskrab mo pagkatapos ng duty, pwede ka magkalat ng sakit. Yun ang pinakamabigat. Pwede mong mahawaan yung mga katabi mo sa sinehan, mga tao sa mall, kasamang pasahero sa jeep at bus, kainuman ng kape o alak at maging ang pamilya mo sa bahay. Pero kung alam naman ng lahat 'to, bakit marami pa din tayong nakikitang na-iskrab sa kung saan-saan? Tama ka, hindi lang naman kasi Med Tek ang naka-iskrab. Maging mga nars, caregiver, therapist, reflexologist, yaya, at kahit mga janitor naka-iskrab na din. Ang dami pla natin sa Tropa! All walks of life pa!
Pero balik tayo sa punto natin, madami pa din ang hindi nagpapalit ng damit o iskrab bago umalis ng ospital. Dapat kayang magkaroon ng patakaran ang bawat ospital na bawal lumabas ang empleyado na naka-iskrab? Magkaroon kaya ng sariling laundry para sa mga health professional sa loob ng hospital? Ang saya din nun noh? Araw-araw may naglalaba para sa'yo, at libre pa!
Hindi ko alam kung dapat sabihin na kasalanan ng mga propesyonal yung ginagawang pagala-gala habang naka-iskrab pero "propesyonal" nga diba? Dapat mas alam natin yung tama. Siguro mas magiging maayos kung disiplinahin nalang natin ang bawat isa. Hindi ka na kelangan sabihan ng supervisor mo, ikaw na lang sa sarili mo. Kung talagang gusto natin makatulong sa kapwa, siguro ito yung pinakamadaling gawin. Malaking responsibilidad ang maging Med Tek. Mas malaking kasalanan kung magiging pabaya. Hindi naman siguro abala yung magpalit ng damit bago umalis ng lab o ospital. E d pano yan, hindi ka na sasama sa Tropang Iskrab ha! Sabihin mo na din yung iba pa nating ka-tropa! Salamat!
I-share sa mga ka-Tropang Iskrab! Pakisabi na din bumisita sa medtek101.blogspot.com. Salamat at Mabuhay ka!
Ganda na ng ekonomiya ng bansa noh? Ano pa inaantay mo? Invest na sa PSE (Philippine stock exchange)! Basahin mo 'tong post ko... http://medtek101.blogspot.com/2013/02/rising-tiger.html o kaya click mo to... http://bosanchezmembers.com/
I-share sa mga ka-Tropang Iskrab! Pakisabi na din bumisita sa medtek101.blogspot.com. Salamat at Mabuhay ka!
Like me on Facebook! http://www.facebook.com/MedTek101
Follow me on twitter @BuhayMedTek
No comments:
Post a Comment