Una, dapat siguro magkaroon na ng fixed rate ang mga propesyonal. Ibigay kay Juan ang para kay Juan. Kung halimbawa e Php 11k ang minimum sa mga empleyado, e di yun ang ibigay. Pero ibahin naman sana sa mga propesyonal. Pumasa ang mga Med Tek sa boards, respetuhin naman sana ng mga employer pati na din ng gobyerno 'to. Hindi kami dapat kabilang sa minimum wage. Bigyan ang mga Med Tek at pati na din ang iba pang propesyonal ng nauukol na minimum wage. Nakaka-degrade kasi na pareho lang kami ng salary nung fast food crew. O kaya para kunyare hindi pareho e mas mataas lang ng P10-20 per day. Tsk tsk tsk! Nagkakalokohan naman e... Malaking mga hospital yung tinutukoy ko. Bato bato sa langit, ang tamaan may bukol!
Pangalawa, kelangan namin 'tong susunod talaga. Hazard pay. Uulitin ko in all caps. HAZARD PAY. Kung ayaw nyo bigay yan, e d sila ang mag extract sa taong may HIV! Ano? Kaya ba nila yan? Mag-examine ng sputum ng taong may TB, magbulatlat ng dumi ng tao ng kung sino-sino at magpatubo ng bacteria na multi-drug resistant, may iba pa bang gagawa nyan? At hindi na din pwede yung masabi lang na nagbibigay ng hazard pay. Dapat tama! (teka pang-eleksyon yun ah) Fixed din dapat. Mukhang tama ang 20% ng gross salary.
Ikatlo, siguraduhin ang kaligtasan ng bawat Med Tek (at lahat ng empleyado ng hospital). Ang ibig kong sabihin ay PPE (Personal protective equipment), health insurance at mga gaya nito. Hindi na dapat Med Tek ang bibili ng gloves at mask para sa sarili nya. Dapat may nakalaan na mga mask, gloves, goggles at lab gown para sa mga Med Tek kapag kelangan. Kahit na nasa hospital nagtra-trabaho dapat may health insurance maliban sa Philhealth. Minsan kasi kulang yung discount sa ibang hospital para sa empleyado at pamilya nito. Uulitin ko, dapat sana fixed para lahat makikinabang.
Kung tutuusin simple lang lahat ng hinaing na 'to. Dapat nga e automatic na yan lahat. Dapat nga ay hindi na hinihingi yan. Pero sana madinig 'to. Mas maganda kung magkaroon ng batas para dito. Bakit kaya hindi ganito ang pagusapan sa PAMET? Hindi yung puro lecture at sessions. Bakit hindi pakinggan yung saloobin ng mga Med Tek at ipaglaban. Hindi yung puro pa-cute sa komersyal ng sabon at sa iba pang mga med rep.
Isang makabuluhang araw ng manggagawa sa lahat! Mabuhay tayo!
Paki-share naman sa ibang Med Tek! Paki-kwento na may blog na ganito ha.hehehe. Paki-Like na din yung facebook account at pa-follow sa twitter (follow din kita). SALAMAT!
Like me on Facebook! http://www.facebook.com/MedTek101
Follow me on twitter @BuhayMedTek
No comments:
Post a Comment