Friday, May 10, 2013

Pic na naman?

Isang post na walang kinalaman sa pagiging Med Tek pero napapanahon naman. Pansin ko lang... Ang daming tao na ang hilig kunan ng litrato ang sarili. Animo'y tuwang-tuwa sa mukha. Ang daming solo pic! Mahal na mahal yata ang sarili. Hindi pa nakuntento at sige ang bira sa pag-video sa sarili. Hindi pa kaya sila nagsasawa sa kanilang imahe na nakikita naman araw-araw mula sa pagising sa umaga? Syempre maghihilamos ng mukha sa harap ng salamin at sa paguwi ay magsisipilyo bago matulog sa harap ulit ng salamin. Tapos meron din syempre yung sa pagitan sa tuwing bibisita ka sa banyo o di kaya'y magrere-touch ng make-up kung kababaihan. Walang sawa na nakikita ang sarili pero kukunin pa din ang digicam o ang cellphone o tablet at walang habas na kukunan ang sarili. Gagawing wallpaper ng telepono, profile pic, ikakalat sa facebook o kaya'y mabilisang upload sa instagram. Ayos! Galing kasi ng teknolohiya e!
Dati kasi... Nung panahon ng betamax... Mahilig lang kumuha ng litrato yung tao pag kasama ang pamilya o mga kaibigan. Hindi uso ang solo pic. Maliban na lang siguro kung dalawa lang kayo. Pag may espesyal na pagsasalo-salo, handaan, pista o madalas pag birthday, dun maraming kodakan. Pwede din naman yung bakasyon o gala lang sa kung saaan. Maliban sa maiiwang magagandang memorya ng isang okasyon o handaan, nakakatuwa din na may maiiwang mga litrato para sa araw na gusto mo maalala.
Hindi naman sa naiinis pero siguro nakakairita lang. Bawas-bawasan lang ba... Maganda na din yun para makalaya ka naman sa cellphone mo paminsan-minsan. Baka kasi nagsasawa na yung gadget mo sa kaka-picture at video mo sa sarili mo. O di kaya'y sawa na din yung iba sa mukha mo. Konti lang siguro na diversity. Magsama ka ng kaibigan, ka-tropa, kapamilya, kapuso, kapatid para maiba lang. Opinyon lang naman. 





Like me on Facebook! http://www.facebook.com/MedTek101
Follow me on twitter @BuhayMedTek








Ganda na ng ekonomiya ng bansa noh? Ano pa inaantay mo? Invest na sa PSE (Philippine stock exchange)! Basahin mo 'tong post ko... http://medtek101.blogspot.com/2013/02/rising-tiger.html o kaya click mo to... http://bosanchezmembers.com/amember/go.php?r=15799



No comments:

Post a Comment