Sunday, February 24, 2013

Ang Monday at ang Med Tek

Bakit kaya madami pa ding pasyente ng Monday? Kung iisipin mo, mas konti nga dapat ang tao pag weekdays kasi pare-prehong may mga trabaho. Dapat mas madaming pasyente pag weekends kasi nga walang pasok. Pero konti lang ang pasyente pag Sunday. Minsan nga mas madami pang tao sa Monday kesa sa sabado. Akala ko nga dati hindi kasma ang mga hospital staff sa Monday sickness kasi nga wala naman tayong weekend off, pero nakakatamad pa din pala ang Monday. Ang daming tao, ang daming trabaho, ang daming follow-up! Mas madaming phone calls, mas madaming lab exams, mas madaming makukulit na tao! Lunes na naman. Napakatalinhanga mong Lunes ka. Biruin mo, nakakapagdala yan ng katamaran sa sanlibutan. Ang galing noh! Hindi mo naman pwedeng tanggalin yun. Pero kung sakali, magkaroon kaya ng Tuesday sickness? Siguro. Pagkatapos kasi ng napakasarap na off e biglang Monday na at balik na sa realidad. Kung nag Sunday duty ka naman, e petiks lang ang Sunday tapos pag pasok mo ng Lunes doble yung trabaho. Toxic!
Kaya pag tulog mo ng Sunday, parang ayaw mo na gumising ng maaga para sa Lunes. Alam mo kasi na balik trabaho na naman. Hay Monday... Pero kahit gaano kabigat ang katawan, kahit parang ayaw mo pa maghilamos sa sarap ng tulog mo, babangon ka pa din. Med Tek e! Maliligo kahit malamig ang tubig, magpapabango para hindi nakakahiya sa pasyente at sa madaling araw yan ginagawa lahat dahil bago mag-6am dapat nasa lab na. Grabe talaga ang Med Tek! Salat na salat sa dedikasyon. Parang ang laki ng sweldo  at ang sipag mag trabaho. Hinaharap ang lunes kahit ang isip ay tila naiwan sa tinulugang kama. Ganyan tayo e, Med Tek pa! Tuloy tuloy lang. Kahit anong araw pa yan! Karamihan naman sa atin ay walang weekend off. Kayang-kaya naman. Nakakapagtaka lang talaga tong Lunes e. Buti na lang talaga... tayo ay mga... Oo, alam kong alam mo na. Med Tek! Tibay talaga!




Paki-share naman po. Ikalat sa mga Med Tek na sabik n sabik sa Lunes! Salamat ha!





Like me on Facebook! http://www.facebook.com/MedTek101
Follow me on twitter @BuhayMedTek




Para kumita ng ang pera na may mas malaking interes... basahin mo to... hindi ito scam... libreng e-book yan... ;)   http://bosanchezmembers.com/amember/go.php?r=15799




No comments:

Post a Comment