1. Box out - Pandiwa. Pagbakod ng isang lalaki sa ninanais na kababaihan upang hindi na mapormahan o maligawan ng iba pang lalaki. Halimbawa: Pare, box out-in mo na si Camille, baka maunahan ka pa.
Kung may ka-I.S. (internship syndrome) ka e dapat talaga ma-box out na yan. Siguro mas applicable 'to sa mga lalake pero pwede na din siguro gawin ng babae.hehe.
2. Box out - Pandiwa. Paghawi sa ibang pasahero ng bus, dyip, taxi o anumang pampublikong sasakyan upang maunang makasakay. Halimbawa: Na-late ako kaninang umaga, na-box out ako nung ale sa bus.
Ang dami nito sa EDSA! Yung mga taong mahilig gumawa nito, yun din yung mga tao na hindi marunong pumila. Pero sa totoo lang, pwede mong sabihin na isang skill 'to e. Yung iba kasi parang eksperto sa pag box out. Parang barumbado na nga lang e pero nauuna naman sila makauwi.
3. Box out - Pandiwa. Pag pigil sa ibang tao na makuha ang pagkaing inaasam na nasa hapag-kainan. Pwede ding tumukoy sa pangunguna sa pila ng pagkain basta't ginagawa ang paghawi sa iba (lalo na sa buffet table).
Halimbawa: Hindi ako umabot dun sa lechon, na-box out ako agad ni sir Edward.
Sa mga piesta, kelangan mabilis para makakuha ka ng gusto mong pagkain. Sa lab, dapat mas mabilis ka kase sigurado akong mabilis sa pagkain ang mga Med Tek. Pero minsan, lalo na pag mababait yung mga kasama mo, ibo-box out na nila yung ibang pagkain para matirahan ka naman at hindi ka maubusan. Hindi naman patay gutom ang mga med tek, mahilig lang talaga kumain. hehe.
4. Box out - Pandiwa pa din. Pangunguna sa pag pila sa mga libreng bigay (freebies) ng mga Med Rep tuwing convention, seminar, meetings at iba pa. Halimbawa: Naubusan ako ng bag na bigay ng Abbott, hindi kasi ako naka-box out e.
Ito ang skill! Kung skill daw ang phlebotomy, skill din ito na matatawag. Wag man natin aminin pero minsan mas madami pa ang tao na nasa mga pila ng mga booth ng med rep kesa dun sa mga tao sa loob ng mismong convention.hehe.
Paki-share naman sa ibang Med Tek! Paki-kwento na may blog na ganito ha.hehehe. Paki-Like na din yung facebook account at pa-follow sa twitter (follow din kita). SALAMAT!
Pa-Like: http://www.facebook.com/MedTek101
I-follow sa twitter @BuhayMedTek
That is an extremely smart written article. I will be sure to bookmark it and return to learn extra of your useful information. Thank you for the post. I will certainly return.
ReplyDelete