Ano nga ba ang IS? Ito ay ang namumuong pagtitinginan ng dalawang Med Tek Intern na naka-duty sa iisang hospital. Ito ay maaring bunga ng anim na buwan na pagkasawa sa isa't isa na naging sanhi upang makaroon sila ng mas malalim na pagkakakilanlan at pagkakaunawaan sa bawat isa. Oo nga naman, 16-24 hours mo ba naman kasama sa duty e, tapos araw-araw na regular duty pa (8hours din yun) talagang magsasawa ka at baka ma-"fall" ka nga siguro. Paano pa kaya i-describe ang IS? Subukan natin translate sa english. Internship syndrome is an emotional phenomenon that occurs between two Med Tek interns that have been together for many months getting them inclined to like each other. Emotional phenomenon? hahaha! Inaantok na yata ako. Pag na-IS ka kasi, parang hindi mo talaga choice yun e. In general, ang mga lalaki, physical attractness talaga hanap nyan sa simula. Sa IS, iba siguro. Kahit lalaki, minsan hindi pinapansin yung physical aspect pag na-IS siya e. Kaya siguro phenomenon yun! Pero sige, sabihin naman natin na choice nung lalaki. Nakagusto yung guy sa tipo niyang intern, syempre kukulitin ng kukulitin. No choice yung girl kungdi pansinin yung guy kasi ka-group e. Araw-araw kasama hangang night duty. Pag nagkick-in yung IS, swerte nung guy! At vice versa yun ah! May kilala ako, yung girl medyo... ahh.. ndi masyado ... ahh... pano ba? mabait yung girl! Basta "mabait" na girl tapos ok na guy. Yung mabait na girl lage nya kasama yung guy. Hinintay lang nung girl ma-IS yung guy, tapos sila na! Pag magkasama nga sila, sasabihin mo true love e! May itsura kasi yung guy pero yung girl... mabait! Kaya kung intern ka at nababasa mo 'to, maganda ka man, gwapo o mabait, magpa-cute ka na! Antayin mo ma-IS! Hindi din lahat ng IS maganda. Hindi ko tintukoy yung mga na-basted ha! (Aray!) Madami kasi ako kilala na na-IS kahit may gf at bf na. Magkahiwalay kasi ng hospital na-assign, kaya ayun, napalitan ang bf/gf dahil sa IS. Hindi daw naman nila sinasadya e. Acceptable ba yun reason na yun? Biktima ng IS? Meron din pala nun. Mahirap pala ang internship pag hindi mo ka-hospital yung bf/gf mo, parang long distance relationship. Dapat magkasama kayo ng bf/gf mo para hindi siya mabiktima ng IS sa iba.
On a serious note, internship would have not been memorable without these things. Kagaya ng hangout kasama ang mga ka-intern (kasama pati ibang school), chibugan (hindi ka Med tek kung hindi ka mahilig kumain), inuman, road trip, swimming, tambay, 24 hour duties, endorsement ng extraction, tulugan kahit night duty, marami pang iba at syempre ang IS. Your internship would not be complete without these things. Hindi lang puro theoretical at technical ang matutunan sa lab. Friendship and camarederie, not necesarilly IS, are also built during internship. Pero back to IS, alam ko majority ng mga Med Tek nakadama nito. Hindi naman kelangan naging kayo or nanligaw ka. Basta malamang sa malamang na-experience mo 'to. Imposibleng hindi. Siguro sinecret mo lang! hahaha!
HAPPY VALENTINE'S DAY MED TEKS!
Share you IS story! I'll post it here! You'll remain anonymous if you want.
(email me at medtek101@gmail.com if you want to share your IS story/experience)
Leave your comments and suggestions below.
Like me on Facebook! http://www.facebook.com/MedTek101
Follow me on twitter @BuhayMedTek
Hahaha! Naalala ko tuloy ung "Lovers in JR"..hahaha! tsaka ung mga fans na medyo hmmmm..kalimutan na lng ung mga fans.
ReplyDelete